-- Advertisements --

Balik na sa kanilang sesyon ang mga kongresista matapos ang mahigit isang buwan na pahinga.

Ayon kay Speaker Lord Allan Velasco, punong-puno ang plato ngayon nilang mga mambabatas dahil maraming mga mahahalagang panukalang batas ang kailangan nilang ipasa sa lalong madaling panahon, kabilang na ang Bayanihan 3 at iba pang pandemic-related measures.

Sinabi ni Velasco na itutuon nila ang kanilang oras sa pag-apruba sa mga panukalang batas na ito bago pa man ang kanilang sine die adjournment sa Hunyo 5.

Handa rin aniya ang Kamara na upuan kasama ang Sanado ang pag-apruba sa mga panukalang ito para bago pa man ang kanilang session break ay maging ganap nang batas ang mga ito.

Bukod sa mga COVID-19 related measures, tiniyak din ni Velasco na aatupagin din nila ang pagpasa sa natitirang priority measures ng Duterte administration.

Kabilang dito ang House Both Houses No. 2, na naglalayong bigyan ang susunod na Kongreso ng flexibility sa pag-amiyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.