-- Advertisements --

Opisyal nang nagtapos ang Kaagapay ng mga Mandirigma Mula sa Dagat (KAMANDAG) exercise 2025 sa pagitan ng Philippine Marine Corps at United States Marine Corps.

Ito ay hudyat ng pagtatapos ng bilateral training sa pagitan ng PH at US forces kasama ang key partners.

Itinuturing naman ito na isang milestone sa territorial defense operations ng bansa.

Kabilang sa mga aktibidad sa Kamandag exercise ay Chemical, Biological, Radiological, Nuclear and Explosive (CBRN) Subject Matter Expert Exchange (SMEE), Senior Enlisted Leaders Symposium, Maritime & Special Operation Forces events, Live Fire Integration, Maritime Strike, Counter-Landing/Defensive Retrograde Operation, Special Operating Forces Strike at Humanitarian Assistance and Disaster Relief.

Ang Kamandag exercise ngayong taon ay nilahukan ng Japan Ground Self-Defense Force, Republic of Korea Marine Corps at United Kingdom Armed Forces.

Habang nagsilbi naman bilang observers ang Netherlands, Bahrain, Canada at New Zeland.

Sa idinaos na closing ceremony ng taunang pagsasanay, pinasalamatan ni Philippine Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Ezpeleta, na nagsilbing Guest of Honor and Speaker, ang lahat ng nakilahok sa kanilang mga kontribusyon sa tagumpay ng Kamandag exercise na nagpamalas ng collaborative efforts at mga tagumpay sa synchronized movements, strategic maneuvers, at protocol testing.

Binigyang diin din ng opisyal ang kahalagahan ng patuloy na kolaborasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa rehiyon.

Sinabi din ng PN official na ang Kamandag exercise ay hindi lamang hinggil sa pakikidigma kundi kaugnay sa komprehensibong paghahanda para sa mga kritikal na pangyayari na nangangailangan ng nagkakaisang aksiyon.