-- Advertisements --

NAGA CITY – Siniguro ni Maj. Gilbert Otivar, station commander ng Naga City Police Office – Station 1 na preparado aniya ang kanilang hanay sa mga darating holidays sa susunod na buwan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Otivar, sinabi nitong lagi aniya silang alerto para masiguro ang seguridad sa lungsod.

Maliban dito, sinabi naman ni Otivar na walang dapat ipagalala ang publiko sa magkakasunod na nakawan dahil maglilibot aniya ang mga kapulisan magdamag ng masiguro ang seguridad sa lungsod.

Nanawagan naman ito sa mga opisyal ng barangay na tulungan sila sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lungsod.