-- Advertisements --

Tiniyak ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na pangunahing iniintindi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan sa mga lugar na naapektuhan ng naganap na lindol.

Ayon kay Gomez, nais ng Pangulo na masiguro ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga kababayan sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

Bilang tugon sa direktiba ng Pangulo, inatasan ang lahat ng mga kinauukulang frontline agencies na magtrabaho nang walang patid upang magsagawa ng mga rescue at relief operations.

“Sa utos ng Pangulo, ang lahat ng kinauukulang ahensya ay inatasang magtrabaho nang 24/7 upang agad na makapaghatid ng tulong at magsagawa ng pagsagip sa mga apektado,” dagdag ni Gomez.

Patuloy ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno upang matiyak na maayos na naihahatid ang serbisyo at tulong sa mga nangangailangan, habang sinusuri rin ang lawak ng pinsalang dulot ng lindol.