-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pormal ng nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng LGU Kabacan Cotabato at ng 17 Barangays katulong ang DSWD XII at ilang National Agency sa implementasyon ng KALAHI-CIDSS NCDDP AF (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services National Community Driven Development Program Additional Financing).

Layunin ng programang ito na malaman at matugunan ang pangunahing pangangailangan na mag-aangat at magpapaunlad ng bawat barangay sa bayan.

Tinalakay at pinaunawa nina Abdullah A. Lilangan (Community Development Officer IV), Julius Antipala (SAO) at ng mga DSWD XII facilitators sa mga partisipante ang pinagmulan ng KALAHI CIDDS at responsibilidad na kakabalikatin ng bawat opisyales ng barangay .

Ayon kay Mayor Herlo P. Guzman, Jr., magbibigay ito ng halagang 5,000,000.00 pesos bilang suporta ng Lokal ng Pamahalaan ng Kabacan nang maisakatuparan ang nasabing programa.