-- Advertisements --
cropped United Nations UN

Inihayag ng United Nations (UN) na kalahati ng mundo ay hindi handa sa mga kalamidad o sakuna.

Dahil dito, marami ang namamatay dahil hindi gaanong handa para sa mga sakuna.

Ayon sa Global Status of Multi-Hazard Early Warning Systems – Target G na ulat na inilabas ng UN Office for Disaster Risk Reduction at ng World Meteorological Organization (WMO), wala pang kalahati ng Least Developed Countries at one-third lamang ng Small Island Developing States ay may isang multi-hazard early warning system.

Inihayag ni UN Secretary-General António Guterres, nabigo ang mundo na mag-invest para protektahan ang buhay at livelihood ng mga apektado ng kalamidad.

Idinagdag pa rito na kung sino man ang may pinakamaliit na nagawa upang labanan ang climate crisis ay siyang magbabayad nang may pinakamataas na presyo.

Nanawagan si Guterres sa lahat ng mga bansa na mag-invest kaugnay sa early warning systems.

Ang mga early warning systems ay isang napatunayang paraan upang mabawasan ang pinsala sa mga tao at pinsala sa mga ari-arian bago ang paparating na mga panganib, kabilang ang mga bagyo, tsunami, tagtuyot at heatwaves.