-- Advertisements --
image 531

Kasalukuyan nang inaalam ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga miyembro ng kontrobersyal na Socorro Bayanihan Services Inc. sa Surigao del norte na posibleng mga miyembro rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Una rito ay nalantad kasi ang impormasyon na isinusumite nila sa kanilang mga lider ang 40% hanggang 60% ng kanilang social welfare benefits.

Ayon kay Sec. Rex Gatchalian, ang mga benepisyaryo lamang ang dapat makinaang sa mga benepisyong ibinibibay ng pamahalaan sa kanila.

Giit ng kalihim, walang karapatan ang sinumanna kumuha o manghingi ng kahit parte lamang ng kabuuan nilang benepisyo.

Batay sa inisyal na nakuhang impormasyon ng DSWD, nasa 577 household ang mga benepisyaryo ng 4Ps na nasa lugar kung saan nakabase ang kontrobersyal na grupo, na una nang tinawag bilang isang kulto.

Pagtitiyak ng kalihim na imomonitor nila ang aktwal na kalagayan ng mga benepisyaryo na posibleng naging miyembro ng naturang grupo.

Maliban sa 4Ps ay nirerebyu na rin ng DSWD ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) distribution sa naturang lugar.