-- Advertisements --

Inaasahan na ng National Economic and Development Authority (Neda) na magreresulta sa mabilis na inflation ang mga kakulangan ng suplay ng mga pagkain.

Ayon sa NEDA na makakaranas ng kakulangan ng suplay ngayong taon ang isda, mais, lowland vegetables at karne ng baboy.

Pagtitiyak din nila na sapat pa ang mga suplay ng manok, highland vegetables ganun din ang bigas hanggang sa natitirang buwan ng 2022.

Iminungkahi na lamang ng NEDA na para maiwasan ang pagtaas ng inflation ay dapat ipagpatuloy pa rin ng gobyerno ang food importation habang patuloy ang pagpapataas ng domestic production capacity.