-- Advertisements --
Nanindigan ang mga faculty members and employees ng isang pampublikong paaralan sa Maynila na mayroong kakulangan ng upuan sa mga paaralan.
Sinabi ni Nestor Reyes ang pangulo ng Jose Abad Santos Faculty and Employees Association (JASHSFEA) na halos lahat ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang mayroong problema sa nasabing upuan.
Reaksyon ito sa lumabas na balita na mayroong kakulangan ng upuan ng mga mag-aaral.
Una nang pinabulaanan ng Department of Education (DepEd) ang nasabing balita at sinabing ito ay fake news.
Sinabi pa ng DepEd na sapat ang upuan sa mga paaaralan kung saan mayroon aniyang ratio ito na 51 sa bawat isang classroom.