Mananatiling isa sa pinakamalaking hamon sa Department of Education ang kakulangan ng sapat na classroom para sa SY 2023-2024.
Kasabay kasi ng pagsisimula ng klase ngayong araw, sinabi ng Kagawaran ng Edukasyon na nananatili ang kakulangan ng mga classrooms sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa katunayan, kulang ng hanggang 159,000 classrooms ang buong bansa na pinipilit umanong matugunan ng kagawaran.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary Francis Bringas, ang naturang problema ay pinaplano nilang matugunan sa pamamagitan ng implementasyon ng mga institutionalized blended learning program ng naturang ahensiya.
Sinabi ni Usec Bringas na ang karanasan ng naturang kagawaran sa nakalipas na dalawang taon ng pandemiya ang isa sa magsisilbi nilang basehan sa implementasyon nito.
Kabilang sa mga aleternatibong paraan ng pagtuturo na planong gamitin ng kagawaran ay ang modified in-school at off-school approach, kasaman na ang digital at distance learning modalities kung saan mag-iimprenta ang kagawaran ng mga learning materials.
Nauna nang sinabi ng DepEd na mahigit sa 22million na mag-aaral ang naitala nilang nakapag-enroll sa school year 2022-2023 na inaasahan pang lalong tataas dahil sa mga late enrolles.