BOMBO DAGUPAN -Nahaharao ang bansa ngayon ang kakulangan ng lokal na supply ng bigas sa buwan ng Agosto hanggang Setyembre.
Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raul Montemayor, National Manager ng Federation of Free Farmers, aabot na lamang sa 39 days ang stock na iniulat ng Department of Agriculture at hindi ito sasapat sa 60 days na requirement.
Hindi naman nakaapekto sa kakulangan ng stock ang mga nasalantang pananim sapagkat ang pag ani nito ay sa katapusan pa ng Septyembe o Oktubre at dahil sa bagyo, maaaring mailipat pa sa Nobyembre.
Samantala, isa din sa kinakaharap ng bansa ay ang pagtaas ng importation.
Ayon kay Montemayor, nag aagawan ng supply sa international market dahil naghigpit na rin ang ibang bansa sa pag eexport ng bigas katulad na lamang ng India.
Apektado naman ang local importers sa pagpapasok ng supply sapagkat mahirap na itong maibenta sa local market dahil sa pagtaas ng presyo. Karagdagang kinakaharap din ng bansa ang natitirang 1.5 days stock ng NFA rice o ang Buffer Stock na ginagamit sa rlief assistance.
Sa kabilang dako, ayon kay Montemayor, hindi maghahatid ng long term solution ang pagsasatayo ng Kadiwa Centers sapagkat marami pa rin ang mga retail outlets sa bansa.
Aniya, ang kailangan tugunan ng gobyerno ay ang pagmahal ng presyo ng bigas sa merkado kahit mura lamang ito nabibili sa mga local farmers.
Dagdag pa niya, marami nang naluging magsasaka sa bansa dahil naapektuhan na ang kanilang produkto sa pagdagsa ng murang import at pagmamahal din ng abono.
Hindi naman umano makabawi ang mga magsasaka sapagkat nasalanta naman ng bagyo ang kanilang pananim.