-- Advertisements --

Kakulangan sa gamit kaya umano naantala ang pagkilala sa mga bagong variant ng coronavirus sa bansa.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nagkulang sila ng genome sequencing kits sa bansa.

Ginagamit ito para sa pag-analisa ng mga sample na nakukuha sa mga pasyente na kanilang nada-diagnose at dito rin nakikita kung may presensiya ng bagong COVID-19 variants.

Aminado ito na bumagal daw ang genome sequencing testing.

Kaya naman umaasa ang health officials na darating na ang mga supplies sa mga susunod na araw.