-- Advertisements --

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw na naiulat ang kakapusan ng tubig na maiinom at sa agrikultura sa 6 na barangay sa Himamaylan, Negros Occidnetal simula pa noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Nasa 12 ospital sa Zamboanga city ang apektado ng kakapusan ng tubig at nakatakdang makatanggap ng 12 oras na rasyon ng tubig kada araw.

Ang rationing scheme nga ay kasalukuyang ipinapatupad sa west coast at sa central areas ng lungsod.

Sa kasalukuyan, tinatayang pumapalo na sa mahigit P1.2 million ang kabuuang production loss at halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahila sa El Nino.

Ang Western Visayas ang nakapagtala ng pinakamataas na halaga ng pinsala sa agrikultura na umaabot sa mahigit P678 million.

Bunsod nito, nasa mahigit 29,000 magsasaka at mangingisda na gayundin ang mahigit 26,000 ektarya ng pananim ang naapektuhan sa buong bansa dahil sa El Nino.

Una ng idineklara ang state of calamity sa Bulalacao at Mansalay sa Oriental Mindoro, Looc sa Occidental Mindoro, at Zamboanga City sa Zamboanga del Sur dahil sa lawak ng pinsala dulot ng naturang weather phenomenon.

Patuloy naman ang paghahatid ng tulong pinansiyal ng pamahalaan sa mga indibidwal na naapektuhan ang kanilang kabuhayan sa Mimaropa na nagkakahalaga na ng mahigit P426 million.