Inaasahang mabebenta ng ilang daang libong dolyar ang kakaibang gitara ng sikat na gitaristang si Jimi Hendrix.
Ayon sa Kruse GWS Auctions, ang 1960 Japanese Sunburst electric guitar ay magsisimulang ibenta sa auction ng $50,000.
Ginamit ni Hendrix ang gitara matapos na ito ay umuwi sa bahay nila mula sa US Army noong 1962 at lumipat sa Clarksville, Tennessee.
Habang nandoon ay tumugtog ito sa Chitlin’ Circuit kasama ang ilang mga singer gaya nina Sam Cooke and Ike at si Tina Turner.
Ayon sa kapatid nito na si Leon Hendrix na iyon ang panahon na naging masaya ang kaniyang kapatid.
Noong lumipat ito sa London noong 1966 ay iniwan niya ang gitara sa New York City sa isang apartment ng kaniyang kaibigan.
Magsisimula ang bidding sa Agosto 8, at bukod sa nasabing gitara ay kasama ring nakabid ang purple boots ni Prince, Neo-style sunglasses ni Elvis Presley at “Cas Away” costumes ni Tom Hanks.