-- Advertisements --

Muling tiniyak ng seven-foot-two Filipino basketball sensation na si Kai Sotto na maglalaro ito sa Gilas Plipinas, sa likod ng kumalat na impormason na ‘ayaw niyang maging kinatawan ng bansa’.

Ayon kay Sotto, simula 14y/o ito ay lagi na siyang naglalaro para sa bansa.

Sa katunayan aniya ay bahagi ng kaniyang kasalukuyang carrer goals ang paglalaro para sa bansa.

Pangalawa rin ito aniya sa mga naging pangarap nito bilang isang basketball player: ang makapaglaro para sa bansa at makapaglaro sa NBA.

Samanatala, nilinaw naman ni Sotto na tuloy-tuloy lamang ito sa pag-eensayo, lalo na at malapit na ang 2023 FIFA World Cup.

Bagaman palagi ito aniyang maraming pinagkakaabalahan sa mundo ng basketball, may mga pagkakataon pa rin itong inilalaan sa pag-eensayo.

Kamakailan lang ay tinapos ni sotto ang kanyang mini-camp exposure kasama ang Utah Jazz at inaasahang sasama sa iba pang NBA camps, sa pag-asang makakapasok ito sa NBA summer league.

Nakatakda namang ipagpatuloy ng gilas ang training nito para sa FIBA World Cup sa Hunyo-7 at bibiyahe pa-europa para sa ilang mga tuneup match laban sa Estonia, Finland, at Latvia