-- Advertisements --

Kinumpirma na ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makakasama na sa fourth window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers si Kai Sotto.

Sinabi ni Cone na sumabak na si Sotto sa kanilang ensayo nitong araw ng Lunes.

Dagdag pa nito na magiging malaking susi sa panalo ng Gilas si Sotto kung saan huling nakapaglaro ito sa national team noong 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Mula noon ay hindi na nakapaglaro pa ang 7-foot-3 matapos na magtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) sa kaniyang kaliwang tuhod noong Enero 2025.

Bukod pa kay Sotto ay inaasahan na rin ang paglalaro ni Justin Brownlee na nagpagaling ng kaniyang injury.

Mayroong 10 araw ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang nasabing torneo.

Makakaharap ng Gilas ang Jordan sa darating na Aogsto 28 habang ang Iran naman sa Agosto 30 na gaganapin ito sa Pilipinas.