-- Advertisements --

Binigyan diin ng isang infectious disease expert ang kahalagahan nang pagpapatupad ng “four-door” strategy para makontrol ang pagkalat ng mas nakakahawang Delta variant ng coronavirus.

Inirekomenda ni Dr. Anna Ong-Lim ng Technical Advisory Group ng Department of Health na ipagpatuloy ng pamahalaan ang Door 1 at Door 2 ng istratehiya.

Sa kabila kasi nang lumalabas sa datos na mayroon nang local transmission, malaking papel pa rin ang ginagampanan ng border control para mabawasan man lang ang bilis nang pagpasok ng marami pang mga indibidwal na positibo hindi lamang sa Delta variants kundi sa iba pan mga variants of concern.

Iginiit din nito na dapat ituring na lamang ang lahat ng mga natutukoy na kaso bilang Delta variant upang sa gayon ay mas mahigpit ang pagkilos ng bawat isa.

Dagdag pa ni Ong-Lim, kaagad na matutukoy ang mayroong sakit kapag pinalalakas ang disease surveillance sa pamamagitan nang pinabuting whole genome sequencing.

Sa ngayon, mayroon nang kabuuang 64 cases ng Delta variant sa bansa.

Para maiwasan pa ang pagdami pa nito lalo, sinabi rin ni Ong-Lim na dapat patuloy pa ring i-monitor ng mga local government units ang mga indibidwal na tapos na sa kanilang 10-day facility quarnatine para matiyak na tatapusin ng mga ito ang kanilang mandatory 14-day period.

Bukod dito, makakatulonmg din kung patuloy na ipatupad ang mga localized lockdowns.

Samantala, kailangan na tiyakin din ng mga awtoridad ang kahandaan ng healthcare system ng bansa, anuman ang kasalukuyang quarantine classification sa iba’t ibang lugar.