Kahalagahan ng pagkakaroon ng Dept. of Disaster Resilence, iginiit ni Salceda kasunod ng Batanes quakes
Binigyan diin ngayon ni Albay Rep. Joey Salceda ang kahalagahan nang pagtatag ng Department of Disaster Resilience (DDR) para mabawasan ang mga potential risks mapabuti ang kahandaan ng bansa tuwing may kalamidad.
Ginawa ni Salceda ang naturang pahayag matapos na yanigin ng magkakasunod na lindol ang Itbayat, Batanes simula kahapon ng umaga na kumitil sa buhay ng walong katao.
Nabatid na muling inihain ni Salceda ang panukalang batas na magtatatag ng DDR, na ngayon ay House Bill number 30 na.
Parehas na panukala ang inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa noong 17th Congress, pero hindi ito naipasa ng Senado dahil sa kakapusan ng oras.
Sinabi ni Salceda na pangunahing layunin ng panukalang ito ay magkaroon ng zero casualty tuwing may kalamidad.
Kapag maging ganap na batas, ang DDR ang siyang magiging pangunahing ahensya na responsable para sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery at rehabilitation.
Ang DDR din ang siyang mangunguna at makipag-coordinate sa preparation implementation, monitoring, evaluation ng kalamidad at climate resilience plans, programs, at activities.
Bukod dito, layon din ng panukala na taasan ang kapaisad ng lokal na pamahalaan na magpatupad ng disaster risk reduction and management at climate change action planse, programs, projects, at activities.