LEGAZPI CITY- Iniimbestigahan na ngayon ng mga otoridad ang motibo sa pagpaslang sa isang barangay kagawad sa Barangay Pawa, Legazpi City.

Kinilala ang biktima na si Barangay Kagawad Allan Del Ayre na Kagawad at residente ng Barangay Bitano.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, sakay ang biktima ng kaniyang pampasaherong tricycle at namamasada sa nasabing lugar.

Nilapitan umano ito ng mga hindi nakikilalang suspek at agad na pinaputukan ng tatlong beses gamit ang cal. .45 baril na naging dahilan ng agarang pagkamatay ng biktima.

Pinaghahanap na rin ng mga otoridad ang mga suspek na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Habang inaalam pa ang motibo sa naturang pangyayari.