-- Advertisements --
image 479

Napauwi na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kabuuang 108 Pilipino mula sa Kuwait ngayong buwan ng Agosto lamang, kung saan karamihan sa kanila ay mga undocumented na manggagawa sa bansang Gulf.

Ayon sa DFA, lumipad patungong Manila ang mga distressed Filipino at dumating noong Agosto 15 at 16 sa NAIA.

Mula noong Enero 2023, may kabuuang 5,940 indibidwal ang pinauwi ng DFA, Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA).

Sa nasabing mga bilang, may kabuaang 763 ang pinauwi ng DFA lamang.

Ang halaga ng kanilang mga ticket ay sinagot ng DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs’ Assistance-to-Nationals Fund.

Ayon pa sa nasabing departamento, majority ng mga repatriated Filipinos ay undocumented workers na nananatili sa Philippine Embassy sa Kuwait.

Ang repatriation ay pinangunahan ni Philippine Ambassador Jose A. Cabrera III at pinangangasiwaan ni Vice Consul Josel N. Mostajo, pinuno ng ATN Section ng Embassy, ​​sa malapit na koordinasyon sa Migrant Workers Office sa Kuwait.