-- Advertisements --
Patuloy ang pagsiklab ng anti-government protest sa Iran.
Ito na ang pang-anim na linggo na kilos protesta dahil sa pagkasawi ng Kurdish Iranian na dalaga na si Mahsa Amini habang nasa kustodiya ng kapulisan.
Lalo pang dumami ang nagsagawa ng kilos protesta matapos ang ika-40 araw mula ng masawi si Amini.
Ayon sa Norway-based Iran Human Rights na mayroong 234 protesters na ang nasawi na kinabibilangan ng 29 kabataan.
Bukod kasi sa Tehran ay sumiklab din ang kilos protesta sa mga lugar ng Andimeshk, Borujerd at Lahijan.
Magugunitang nasawi ang 22-anyos na si Amini noong Setyembre 16 ng arestuhin siya dahil sa hindi pagsuot ng hijab.