-- Advertisements --

KALIBO, Aklan —- Naniniwala ang Kabataan partylist na hindi pa napapanahon upang buwagin ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Nanindigan si Kabataan partylist Rep. Raoul Danniel Abellar Manuel na may malaking tungkulin ang PCGG sa paghabol sa mga umano’y nakaw na yaman ng Pamilya Marcos.

Itinutulak ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pag-abolish sa mga ahensya ng gobyerno na wala nang function.

Ang malungkot aniya dito ay maaring gamitin ng pangulo ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng ipapalabas na executive order sa paglusaw sa PCGG.
Taong 1986 ay binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang PCGG para habulin ang mag ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Aniya, mula sa target na $10 billion, nasa mahigit sa $3 billion pa lamang ang nababawi ng PCGG sa pamilya Marcos at kanilang mga cronies.

Kinabibilangan ito ng ilang bank accounts, ginto at mga art pieces.