Muling kinalampag ni Manuel ang Department of Finance (DoF) sa pagsabi na ang ibinibigay na ayuda ng pamahalaan ay pag-aaksaya lamang ng pondo.
Naniniwala kasi ang Kabataan Party List na mahalaga pa rin ang cash aid para sa economic, education recovery lalo na ngayon na nasa pandemya pa rin ang bansa.
Sinabi kasi ni Finance Secretary Benjamin Diokno bilang bahagi ng panel na nakabawi na ang ekonomiya kaya hindi na kailangan ang tulong pang-ekonomiya na may kinalaman sa pandemya dahil ang mga tao ay papasok na sa trabaho at paaralan.
Sa pagdinig ng budget deliberation ng Kamara ng Development Budget Coordination Committee, inihayag ni Rep. Manuel sa kanyang linya ng pagtatanong na ang mga economic manager ay tutol sa probisyon ng COVID-19 ayuda.
Binigyang-diin ni Manuel na hindi naman ibig sabihin na kapag wala ng lockdown otomatikong mayroong income na ang mga tao.