-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nadagdagan pa ng dalawa ang suspected case ng Coronavirus Disease (Covid 19) ang bayan ng Kabacan Cotabato.

Sa kabuuan mayroon ng apat (4) na suspected case ng covid-19 ang bayan.

Kaugnay nito, hinimok ni Kabacan Incident Commander at MHO Dr. Sofronio T. Edu, Jr. ang publiko na huwag ipgawalang bahala ang kampanya ng pamahalaan na sumunod sa mga ipinapairal na alituntunin at higit palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain.

Dagdag pa ni Edu, nakaquarantine na ang apat na mga suspected case sa bayan at mahigpit na minomonitor ito ng RHU at BHERT.

Samantala, abot na sa 1409 ang mga nagsitapos sa kani-kanilang mga quarantine na kinabibilangan ng mga nagmula sa Davao Region, iba’t ibang panig ng Mindanao at Visayas, Returning OFWs, at mula sa Luzon.

Nasa 163 naman ang nagpapatuloy sa kani-kanilang quarantine.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ang health protocols kontra Covid 19 sa Kabacan Cotabato sa pamumuno ni Mayor Herlo Guzman Jr.