-- Advertisements --
Nagpadala ang Saudi Arabia ng kauna-unahang kababaihan na lalahok sa international tennis event.
Sasabak ang four-member Saudi team sa Asia/Oceania pre-qualifying event ng Billie Jean King Cup Juniors sa Colombo, Sri Lanka.
Ayon kay Saudi Arabia captain Areej Farah na isang kakaibang karanasan ang makasali sa nasabing torneo.
Dagdag pa nito na isa itong malaking hakbang para sa mga kababaihan na lalahok sa isang International Tennis Federation (ITF) event.
Ibinunyag ng ITF na ilang taon silang nakipag-ugnayan sa Saudi Arabian Tennis Federation sa development ng junior initiatives noong nakaraang mga taon.