Kinumpirma ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nahuli sa isang “special operation” si Viktor Medvedchuk, isang pro-Russian na Ukrainian na politiko at oligarko.
Bago ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine, hinarap ni Medvedchuk ang mga paratang ng pagtataksil sa Ukraine at nasa ilalim ng house arrest.
Ang kanyang kinaroroonan ay hindi alam ng mga otoridad, ilang linggo pagkatapos ng pagsalakay ng Russian forces.
Ang ilang mga observers ay naniniwala na si Medvedchuk o isa sa kanyang mga kaalyado ay maaaring maging kagustuhan ng Kremlin na pamunuan ang pamahalaan sa Ukraine kung ang pagsalakay noong Pebrero 24 ay nagtagumpay sa pagbagsak kay Zelensky.
Si Medvedchuk ay pinarusahan ng US noong 2014 “para sa pagbabanta sa kapayapaan, seguridad, katatagan, soberanya, o integridad ng teritoryo ng Ukraine, at para sa pagsira sa mga demokratikong institusyon at proseso ng Ukraine.”
Ngunit ang mayamang negosyante ay nagsilbi rin bilang isang tagapamagitan para sa Moscow at Kyiv pagkatapos ng pagsiklab ng salungatan sa Donbas noong 2014 sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang personal na relasyon kay Putin.
Sa isang panayam noong 2019 kasama ang filmmaker na si Oliver Stone, kinilala ni Putin na siya ang ninong sa anak ni Medvedchuk.