Humingi na ng paumanhin at handang tanggapin ang anumang hatol ng korte ni K-pop star Jung Joon-young.

Ito ay matapos na maaresto ito dahil sa pagpapakalat ng sex video ng isang babae.

Noong nakaraang linggo ay inireklamo na sa police ang 30-anyos K-pop star subalit agad na naglabas ng warrant of arrest ang mga kapulisan sa South Korea.

Kasalukuyang nasa kustodiya pa rin ito ng mga kapulisan sa Seoul.

Iniimbestigahan din ng mga kapulisan ang ilang parehas nitong K-pop star na nakatanggap ng mga ikinalat nitong video.

Sakaling mahatulan ito ay mahaharap ito ng hanggang limang taon na pagkakakulong.