Paulo Dybala
Paulo Dybala/ IG post

Nagpositibo sa coronavirus disease si Juventus forward Paulo Dybala.

Itinuturing na siya ang pangatlong manlalaro ng koponan na nagpositibo sa nasabing virus.

Sinabi ng Argentine player na ang kaniyang kasintahan na si Oriana ay gumaling na matapos na magpositibo sa virus.

Kasalukuyan na itong sumasailalim sa isolation.

Magugunitang unang nadapuan ng virus ang defender ng koponan na si Daniele Rugani at midfielder Blaise Matudi.

Maging ang AC Milan technical director Paolo Maldini at anak nitong si Daniel ay nagpositibo na rin sa virus.