Justin Bieber
Justin Bieber / Twitter Photo

Ibinunyag ni Justin Bieber na siya ay nagbibiro lamang sa paghamon niya sa MMA fight kay Tom Cruise.

Sinabi ng Canadian pop star, na alam niyang tatalunin siya ng beteranong actor kaya ito ay nagbibiro lamang.

Nagawa lamang niya ang nasabing hamon matapos mapanood ang interview sa 56-anyos na actor.

Nauna rito nag-tweet ang singer na nais niyang hamunin si Cruise sa isang octagon fight at binanggit pa dito si UFC President Dana White na ayusin ang laban nila.