Nakatakdang i-address si Departement of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla bukas sa harap ng mga participant sa ika-52 regular session ng United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.
Sa isang statement, sinabi ng Justice departement na inaasahang tatalakayin ng kalihim ang kahalagahan ng paninindigan sa soberanya at paglinang ng international solidarity para sa pagtataguyod at pagprotekta sa karapatang pantao.
Bukas din, nakatakdang makipagkita si Remulla na pangungunahan ang delegasyon ng Pilipinas, kay Human Rights Council President Vaclav Balek, UN High Commissioner for Human Rights Volker Turk, Australian Assistant Foreign Minister Tim Watts, at UN Framework Convention on Climate Change (COP28) Director General Majid Al Suwaldi.
Ibinahagi din ng DOJ na target ni remulla na magbigay ng update sa UNHRC at iba pang partners sa nagawang progreso sa mga reporma sa justice sector ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng human rights at development agenda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nakatakda ding magkaroon ng bilateral meeting si Remulla kasama ang uropean Union’s Special Representative for Human Rights.