-- Advertisements --

Nais ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla na bilang territorial guard ng county,” ang Bureau of Immigration (BI) ay dapat na kapantay ng Philippine National Police (PNP) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dapat aniyang may police powers ang BI at maaaring arestuhin ang mga dayuhan, kasama na ang mga pumapasok na ilegal sa bansa.

Kaya, sinabi niya na kailangan nating muling isipin ang kaugnayan ng imigrasyon sa iba pang mga armed services ng bansa.

Kung siya umano ang ipa-redesign ng uniform ng immigration na black, dapat umano na may hawak-hawak silang posas.

Ngunit, aniya, hindi pa naipapasa ng Kongreso ang panukalang batas para sa modernisasyon ng BI.

Sinusubukan umano nilang ipasa ang batas na ito sa nakalipas na 15 taon,.

Dagdag pa nito na ang kasalukuyang batas ng BI na naipasa noong 1939 ay laos na.

Dapat din aniya i-upgrade ang suweldo ng mga tauhan ng BI.

Sa katunayan, sa ilang mga bansa ngayon tulad ng Singapore at Thailand, ang pinakamataas na bayad na opisyal ng gobyerno ay ang mga nasa imigrasyon.