Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nasa forecast target pa rin nila ang July 2022 inflation kahit mabilis ang pagtaas nito.
Una nang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na naitala sa 6.4 percent ang pagtaas ng presyo ng ilang mga pangunahing bilihin.
Ayon naman sa BSP ang naturang datos ay nasa pagitan pa rin ng 5.6 hanggang 6.4 percent.
Aminado naman ang BSP na posibleng merong pang second effect ang price pressures lalo na at inaasahan ang epekto ng taas sa sweldo at taas sa pamasahe ng pampublikong sasakayan.
kabilang daw sa mga factors na nakaapekto sa inflation ay ang oil price hike bunsod pa rin ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, pagtaas ng presyo ng ilang pagkain, pagpapatupad ng ilang global monetary policy at ang wala pa ring kasiguraduhan kung kelan matitigil ang COVID pandemic.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng BSP na gagawin nila ang lahat sa pagpapatupad ng mga policy actions para mapanatili sa target-consistent ang inflation at makamit pa rin ang price stability.