Julio Iglesias
Julio Iglesias/ FB photo

Itinuturing ni Julio Iglesias na isang milagro ang pananatili niya ng 50 taon sa music industry.

Ayon sa 75-anyos na singer, labis ang pasasalamat niya dahil umabot pa sa 50-taon ang kaniyang singing career.

Dagdag pa nito na bagamat hindi na niya kayang maglaro ng football ay mapapatunayan pa rin nito ang kakayahan niya sa pagkanta.

Kapag hindi aniya siya nakakakanta ay tila humihinto na ang tibok ng kaniyang puso.

Hindi aniya nagbabago ang kaniyang pakiramdam kapag kumakanta ito sa harap ng kaniyang mga fans.

Noong nakaraang araw ay sinimula na nito ang kaniyang 50 years European concert tours.

Umabot sa 300 million records na may 14 languages.

Tinanghal din siya bilang sikat na international artist sa China.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here