-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang bagyong Julian sa nakalipas na magdamag.

Mula sa pagiging tropical storm lamang, naging severe tropical storm na ito, na may taglay na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 850 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Halos wala namang naging pag-usad ang bagyo mula sa kaniyang lokasyon kagabi.

Sa kabila ng paglakas, walang itinaas na tropical cyclone wind signals dahil malayo ito sa Luzon landmass.