Gen Guilermo Eleazar

Muling pina-alalahanan ng pamunuan ng PNP sa lahat ng mga LGU’s na hindi dapat hinaharang ng mga ito ang mga truck na may kargang mga food supplies.

Ito ay kasunod ng mga reports na may mga bayan sa Laguna na hinaharang ang mga produktong gulay na dadalhin sana sa Metro Manila.

Ayon kay JTF Covid Shield Commander Lt Gen. Guillermo Eleazar, dapat sinusunod ang mga regulasyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force sa mga checkpoints.

Sinabi ng heneral na dito na papasok ang responsibilidad ng mga Chief of Police na araw araw ay nakatatanggap ng mga direktiba.

Ayon kay Eleazar, batay sa memorandum hindi maaring maglagay ng checkpoint sa mga national at provincial roads kundi mga pulis Lamang.

Habang sa mga interior roads, doon maaring maglagay ng checkpoint ang mga barangay subalit t kailangan alam pa rin ng PNP ito.