-- Advertisements --

Pinatawan ng indefinete suspension ng Jose Rizal University (JRU) basketball team ang kanilang forward player na si John Amores.

Kasunod ito sa ginawang pagwawala niya ng lusubin at pinagsusuntok ang ilang miyembro ng College of St. Benilde (CSB) squad sa kanilang laban sa NCAA.

Ayon sa JRU na dahil sa suspendido ay hindi na ito maglalaro pa sa natitirang mga game ng NCAA Season 98.

Humingi rin ng paumanhin ang JRU sa NCAA dahil sa ginawa ng kanilang player.

Nauna ng pinagbawalan din ng NCAA si Amores at ilang mga manlalaro mula sa dalawang koponan.

Sinabi ng NCAA na kabilang na pinatawan ng 2 game suspension sina CSB Chris Flores at Mark Sangco kasama rin ang ilang manlalaro ng JRU na sina William Sy at Ryan Arenal dahil sa ‘disrepectful acts’.

Habang one-game suspension ang ipinataw kina CSB Ladis Lepalam, JRU Jason Tan, Joshua Guiab, William Sy , Jason Celis , Marwin Dionisio, Karl De Jesus, CJ Gonzales at Jan Marc Abaoag.

Magugunitang akto sanang susuguri ni Amores ang isang fan subalit hinarang ito ng ilang manlalaro mula sa kabilang koponan na nagbunsod sa pagkadamay-damay nila.