-- Advertisements --

Matapos aprubahan “unanimously” ang amended committee report sa dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, ipapadala ang ulat sa House Committee on rules.

Ang komite ang responsable para maisama sa order of business ang pagtalakay sa report sa Plenaryo.

Sa oras na maiakyat sa plenaryo, ito ay i-sponsor ng mga opisyal ng komite at maaaring kwestyunin ng ibang miyembro ng Kamara, na nabigong usisain ang mga reklamo noong ito ay dinidinig pa sa Justice Committee.

Ayon kay Justice Committee chair Rep Gerville Luistro, ang plenary session sa Mayo 11 ang araw para sa mga miyembro ng Kamara para tukuyin kung aaprubahan o tatanggihan ang committee report.

Ngayong Lunes nga, pormal nang inaprubahan ng lahat ng 55 miyembro ng Justice committee ang amended committee report na nakakita ng probable cause para i-impeach si VP Sara.