Inanunsyo ni Cavite Governor Jonvic Remulla ang ilang guidelines na paiiralin sa habang nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang lungsod ng Cavite.
Sa isang post, sinabi ni Remulla na mahigpit na ipagbabawal ang “jowa passes” o yung mga indibidwal na gagamiting dahilan ang kanilang mga kasintahan para lang lumabag sa mga ipatutupad na panuntunan.
Ipinaalala rin nito na hindi maaaring i-transfer sa iba ang quarantine pass at tanging isang myembro lang ng pamilya ang papayagang lumabas ng bahay.
Ang sinomang lalabag diyo ay kaagad huhulihin at papatawan ng karampatang multa.
Ayon pa sa alkalde, tuloy pa rin naman ang operasyon ng mga factories ngunit kakailanganin ng mga empleyado na magpakita ng ID o work schedule para sa checkpoints.
Papayagan din na bumyahe ang mga pampublikong transportasyon sa Cavite ngunit limitado lamang ang mga pasahero na maaaring isakay.
Para lamang daw ito sa mga serbisyo ng mga pabrika, manggagawa at essential workers.
Magpapatupad din ng curfew sa buong Cavite na magsisimula ng 8:00 p.m. hanggang 4 a.m, ayon kay Remulla.