-- Advertisements --

Ibinahagi ng journalist na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, na sila ay nabiktima ng kawatan habang nagbabakasyon sa Switzerland.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi nito ang pangyayari kung saan nawala ang backpack ng kaniyang asawa.

Nakasakay sila sa isang first class na train ng hinihinala niyang isang lalaki na kapwa pasahero ang kumuha ng nasabing bag ng asawa.

Napansin na lamang nito ng makababa na rin sila.

Dahil dito ay pinayuhan niya ang kapwa turista na laging mag-ingat dahil hindi niya lubos akalain na may mga nagkalat na kawatan pa rin sa ganung bansa.