-- Advertisements --
Kinansela ng Jordan ang planong pakikipagpulong kay US President Joe Biden at ilang mga lider sa Middle East.
Kasunod sa nangyaring pagtama ng rocket sa isang pagamutan sa Gaza na ikinasawi ng nasa 500 katao.
Ayon sa Jordan Foreign Minister Ayman Safadi na wala ng saysay ang nasabing pagpupulong dahil sa tuloy-tuloy ang kaguluhan.
Magugunitang nakatakdang magtungo si Biden sa Amman, Jordan pagkatapos na ito ay magtungo sa Tel Aviv, Israel.
Inabisuhan na rin ni King Abdullah II ng Jordan ang White House na kanselado ang nasabing pagpupulong nila.