Minaliit lang ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison ang panibagong banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na giyera laban sa kanilang hanay.
Ayon kay Sison, hindi na bago ang banta ng presidente dahil ilang beses na itong nagpasaring sa mga komunista pero bigo rin naman daw ituloy.
Para sa CPP founding chair, malinaw na ginagamit ni Dutere ang mga komunista para matuloy ang aniya’y plano nito na maging diktador.
Kamakailan nang maglabas ng arrest order ang Manila Regional Trial Court laban kay Sison at iba pang miyembro ng CPP-NPA-NDF kaugnay ng Inopacan massacre noong dekada 80.
Pinuna ni Sison ang pakikipag-ugnayan ng administrasyon sa Interpol para madakip silang mga akusado dahil paglabag daw ito sa batas.
Nitong Martes nang sabihin ng pangulo na handa niyang i-alerto ang buong pwersa ng estado para mahuli si Sison at mga akusadong komunista.