-- Advertisements --

Lalo pang lumawak ang apektado ng typhoon Jolina, habang nananalasa na ito sa Southern Luzon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa Dimasalang, Masbate.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 120 kph at may pagbugsong 150 kph.

Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Signal No. 3:
Extreme southern portion ng Quezon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, western portion ng Albay, western portion ng Sorsogon, northwestern portion ng Samar, extreme western portion ng Northern Samar at northern portion ng Biliran

Signal No. 2:
Central at southern portion ng Quezon, southeastern portion ng Batangas, western portion ng Camarines Norte, western at southernportion ng Camarines Sur, Marinduque, natitirang bahagi ng Albay, nalalabing parte ng Sorsogon, eastern portion ng Romblon, western portion ng Northern Samar, northern portion ng Samar, Leyte at natitirang parte ng Biliran

Signal No. 1:
Nueva Ecija, southeastern portion ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Aurora, southern portion ng Zambales, Bataan, Tarlac,Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, nalalabing bahagi ng Batangas, natitirang parte ng Romblon, Oriental Mindoro, northern portion ng Occidental Mindoro, Catanduanes, natitirang bahagi ng Quezon, nalalabing lugar sa Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, Eastern Samar, nalalabing parte ng Samar, nalalabing bahagi ng Northern Samar, northern portion ng Cebu, northern portion ng Negros Occidental, northern portion ng Iloilo, Capiz at Aklan