-- Advertisements --
Lumakas pa ang bagyong Jolina sa mga nakalipas na oras.
Ayon sa Pagasa, iniakyat na ito sa tropical storm category.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 110 km sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Signal No. 2:
Eastern Samar, eastern portion ng Northern Samar at northeastern portion ng Samar
Signal No. 1:
Eastern portion ng Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Biliran, eastern portion ng Leyte, eastern portion ng Southern Leyte, nalalabing lugar sa Samar, natitirang bahagi ng Northern Samar, Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands.