Nagpakitang gilas muli ang NBA reigning MVP na si Nikola Jokic para talunin ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers, 103-100.
Sinasabing history-making performance ang ginawa ni Jokic nang kumamada ng 26 points, 22 rebounds at eight assists.
Muntik pang masilat ang Nuggets matapos na walisin ng LA ang kanilang 17 na kalamangan.
Nagtala naman ng record si Jokic sa NBA dahil siya ang unang player na makapagtala ng 25-plus points, 20-plus rebounds at five-plus assists sa sunod na mga laro na huling nagawa ni NBA legend Charles Barkley noon pang 1988.
Sa ngayon hawak ng Denver ang 16-16 record habang ang Clippers naman ay nasa 17-16 na wala pa rin si Paul George bunsod ng ulnar collateral ligament tear sa right elbow.
Ito na ang ikaapat na talo sa huling lima nilang laro.