-- Advertisements --

Kumpiyansa si AFP chief of staff Gen. Andres Centino sa kahandaan ng Joint Task Force NCR sa darating na eleksiyon.

Sa kanyang pag-inspeksyon sa mga tropa ng JTF NCR Sa Camp Aguinaldo, sinabi ng AFP chief na mataas ang tiwala niya sa liderato ng JTF-NCR sa pangunguna ni Brig. General Marceliano Teofilo.

Pinuri ni Centino ang mga sundalo at sa mga sibilyang tauhan ng JTF NCR sa kanilang matagumpay na pagtupad sa kanilang mandato na pangalagaan ang mga mamayan at protektahan ang estado.

Kasabay nito, binilinan ni Centino ang mga tropa na maghanda sa deployment sa mga peligrosong lugar, para masiguro ang maayos at kapani-paniwalang eleksyon sa Mayo.

Ipinaalala din ng AFP chief sa mga sundalo ang marching orders ng Pangulong Duterte sa militar na tapusin na ang communist insurgency at siguraduhing maging mapayapa ang eleksyon.