-- Advertisements --
Matagumpay ang ikatlong joint patrol ng Pilipinas at US sa West Philippine Sea nitong hapon ng Biyernes.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines na ang ito ay kinabibilangan ng BRP Gregorio Del Pilar at AW109 Helicopter kasma aang US Indo-Pacific Command na USS Gabrielle Giffords at nakalagay ang MH-60S SeaHawk helicopters.
Naglayag ang dalawang barko at nakilahok sa advanced planning at maritime communication operations sa timog bahagi ng Manila exclusive economic zone.
Magugunitang unang isinagawa ng joint patrol ay noong Nobyembre 2023 at ang pangalawa ay noong Enero.