-- Advertisements --
Ikinaalarma ng South Korea ang pinagsamang air patrol ng Russia at China.
Ito na ang pang-anim na joint air patrol ng China at Russia mula 2019 sa Sea of Japan at East China Sea.
Depensa ng defense ministry ng China na ang nasabing hakbang ay bahagi ng taunang cooperation plan ng dalawang bansa.
Dahil sa insidente ay nagkumahog ang fighter jets ng South Korea matapos na apat na Chinese at apat rin na Russian military aircraft ang pumasok sa air defense zone sa south at east Korean peninsula.
Ganito ang ginawa ng Japan ng dumaan ang mga eroplanong pandigma ng China at Russia.