-- Advertisements --
Sinimulan na ng South Korea ang kanilang joint aerial exercise ng Japan at US.
Ayon sa South Korea military na isinagawa ang exercise malapit sa Korean peninsula na siyang unang pagsanib puwersa ng tatlong bansa.
Ang nasabing drill ay para mapalawig ang kapasidad ng bansa sa pagresponde laban sa nuclear at missile threats ng North Korea.
Kinabibilangan ito ng B-52 strategic bomber ganun din ang mga fighter jets ng tatlong bansa.
Noong buwan ng Agosto kasi ay napagkasunduan ng mga lider ng tatlong bansa na gawing taunan na lamang ang nasabing drill.