IMAGE © PEP.Ph | John Lloyd Cruz, Ellen Adarna

Matapos ang matagal na pananahimik sa mata ng publiko, muling nakita ang magkasintahang sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa isang sementeryo sa Cebu City.

Bukod sa dalawa, kasama rin nila ang sinasabing anak na si Elias Modesto.

Ayon sa isang ulat, nakita ang mag-pamilya na naglalakad sa loob ng Queen City Memorial Gardens kung saan nakalibing ang ama ni Ellen na si Alan Modesto.

Kung maaalala, huling nakita ang ang showbiz couple at anak sa kanilang mga larawan nang magbakasyon sa Tokyo, Japan noong Enero.

Ika-31 naman ng Mayo noong nakaraang taon nang yumao ang ama ng aktres dahil sa cardiac arrest.

Halos kalahating taon na rin nang mag-indefinite leave mula sa showbiz si John Lloyd.