-- Advertisements --

Mas malaki ang problema sa job matching kaysa sa kakulangan ng trabaho sa bansa.

Sinabi ni echnical Education and Skills Development Authority (TESDA) Deputy Director for Policies and Planning General Rosanna Urdaneta, na ito ang hamon ng kanilang ahensiya na kulang ang mga job applicants.

Kadalsang idinadahilan ng mga aplikante ay maraming mga requirements ang hinahanap ng ilang mga employers.

Maraming mga scholarship ang TESDA na inilaan mula sa Build, Build, Build program subalit dahil sa kakulangan ng aplikante ay napipilitan ang ahensya na isara ang ibang mga klase.